Creativity 1981 - 2005
May 19, 2005 by katsudon
Naiiyak ako.
Naiiyak ko dahil hinayaan kita. Naisantabi dahil naisip ko, andyan ka naman palagi. Akala ko, kahit kelan, maaari kitang balikan. Puede naman di ba?
Kaso, nahihirapan ako. Hindi ko basta basta masimulan at balikan yung dating nating pinagsamahan. Kung dati, kada araw, kada minuto magkasama tayo, ngayon, halos di na kita pinapansin. Kung dati, pinaggagastusan kita, ngayon, kung ano lang kaya, yun nalang.
Gusto kitang makasama muli. Gusto ko maibalik ang dati nating samahan. Kahit sinong kilala ko, kinakamusta ka, at kapag sinasabi ko matagal na tayong hindi nagkikita, nagugulat sila. Yung iba, nalulungkot, at yung iba, nanghihinayang. Hinahanap ka. Pinagsasabihan ako, na sana wag akong tanga na hahayaan ka nalang mawala ng tuluyan sa akin.
Sana sa pag gising ko bukas, gulatin mo ako. Na sa susunod na maisip kita, ituloy ko nang mapalapit sa iyo muli. Sayang naman kung mawawala ng tuluyan ang regalong ibinigay sa akin ng Panginoon.
Sana. Dahil ayoko magsisi.
2 Responses to “Creativity 1981 - 2005”
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.
HI KAT,how u? wow, some pretty heartfelt msg you had there. is it for….?
i felt that way too w tin, i kinda regretted breakin up w him then, but eventually life goes on and we move on. there is always somethin/someone better suited for us. trust me.
kath
Err… hate to say this but that’s not what that post is about. Though it may sound like it. I don’t really give a damn about him nowadays. Read again, and this time, take note of the title. Hehehe.